AYAW NG PAYAGAN NG SEIKO SA IBA
Source: Philippine Star Showbiz
Date: November 9, 2001
Hindi
ako pinapayagan ng Seiko Films na lumabas sa ibang production,"
himutok ni Leonardo Litton sa Tony Galvez Centrum noong
Lunes. "Nanghihinayang ako dahil makakatulong sana iyon sa finances ko,
pero sabi ni tito Robbie (Tan), pinapangalagaan lang niya ang career ko.
Baka raw pangit yung istorya, hindi magaling ang direction. This year, isang
pelikula lang ang nagawa ko, yung Tikim. Kaya ang nangyayari, pa-TV-TV
na lang ako."
Bukas, November 10, patungong Tokyo, Japan si Leonardo. "Kakanta ako sa ilang clubs doon, kasama ko si Aiza Seguerra," patuloy ng aktor. "Pagbalik ko, mapapalitan na ang kotse ko, yung sinasabi nilang kakarag-karag."
Naging isyu nga kamakailan ang Kia Pride na kotse ni Litton. Dalawang ulit itong tumirik nang minsang umatend siya ng anniversary ng isang tabloid. "Ikino-compare ng mga nang-iintriga na mas maganda pa raw yung kotse ng isang baguhang bold star kaysa sa akin. Okey lang, sabi ko, hindi naman ako maluho sa katawan."
Bukas, November 10, patungong Tokyo, Japan si Leonardo. "Kakanta ako sa ilang clubs doon, kasama ko si Aiza Seguerra," patuloy ng aktor. "Pagbalik ko, mapapalitan na ang kotse ko, yung sinasabi nilang kakarag-karag."
Naging isyu nga kamakailan ang Kia Pride na kotse ni Litton. Dalawang ulit itong tumirik nang minsang umatend siya ng anniversary ng isang tabloid. "Ikino-compare ng mga nang-iintriga na mas maganda pa raw yung kotse ng isang baguhang bold star kaysa sa akin. Okey lang, sabi ko, hindi naman ako maluho sa katawan."
At ano ang masasabi niya sa tsismis na pera raw niya ang ipinagpatayo ng Tony Galvez Centrum? "Natatawa lang ako!"sabi niya. "Yung nagsulat na yon, hindi kilala si tito Tony. Ganun ba kalaki ang bayad sa akin per picture? Tapos, sabi pa, magkaaway daw kami ng manager ko. Humiwalay na raw ako sa manager ko! Pero wala naman silang masabi kung sino ang bago kong manager. Saan kaya nila pinagkukuha yung ganung balita?"
Ang 20-anyos na bold actor ay nagsabing wala pa sa plano niya ang pag-aasawa. "Ang iniisip ko lang ngayon, basta makatulong ako sa nanay at kapatid ko. Hindi ko iniisip yung pag-aasawa o pagtatayo ng sariling pamilya. Kung kukunin ako ng Diyos ng maaga, at least, nakatulong na ako sa amin. Hindi na ako natatakot kung sakaling isang araw, mawala na ako sa mundo."
Kahit wala siyang marriage plans, nananatili siyang may crush kay Jolina Magdangal. "Naging regular cast ako ng Labs Ko Si Babes noon. Medyo naging close kami ni Jolens. Simple lang siya, mabait. Kalog siya, madaldal. Tawag niya sa akin, Litton. Minsan, nag-guest din ako sa show niya sa Dos, Arriba! Arriba.
Kahit 22 na si Jolina, mukha siyang teenager. Tama lang yung ginagawang paghihigpit ng tatay niya sa kanya. Syempre, babae ang anak niya. Business-minded si Jolina. Kung ganun lang sana kalaki ang kinikita ko gaya ng kita niya, magbi-business din ako at lupa ang gusto kong pagkakitaan, real estate."
Ngayong November 14, ipalalabas na ang Tikim. "I consider this na isa sa pinakamaganda kong ginawa," sabi ni Leonardo. Yung isa pang tinutukoy niya ay yung una niyang pelikula noong 1999, Burlesk King. Muli, magkasama sila ni Rodel Velayo. "Pinsan ko si Rodel dito, mas matanda siya sa akin. Pareho kaming probinsyano, pero mas nauna siyang napadpad ng Maynila. Snatcher siya. Matadero ako. Girlfriend niya sa istorya si Barbara Milano, ako, si Paula Gomez. Naghubad ako rito sa torture scene, pinaghubad ako ng mga tumu-torture sa akin."
Magaling na direktor si Jose Javier Reyes para kay Leonardo. "Relaks lang siya sa set, pero pag meron siyang hindi nagustuhan, react siya agad. Naiinis lang siya pag mabagal ang set-up ng crew."
Si Leonardo, na si Joel Francis Villar sa tunay na buhay ay tubong-Calikid Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Lumaki siyang hindi nakita ang tatay niyang Amerikano, si Jim Werner. Obviously, kitang-kita naman sa hitsura niya ang lahing pinanggalingan. Kaya, kuwento niya, "Maliit pa ako, "Kano" na ang tawag nila sa akin sa probinsiya. Blonde pa ang buhok ko nung maliit pa ako, mahaba."
Kung hindi pa siya nag-artista at naging entry sa Chicago International Film Festival ang pelikula niyang Burlesk King, hindi siya magkakaroon ng contact sa tatay niya na dating nakatira sa New York City. "Naputol yung communication ko sa father ko through E-mail mula nang wasakin ng mga terorista yung Twin Towers sa New York City. Hindi na sila sumasagot sa E-mail."
Dalawang taon at kalahati na siya sa showbis. "Kahit
maraming intriga, nagugustuhan ko na rito," sabi niya. Ang hindi ko lang
gusto, pag ganitong madalang ang pelikula at dahil contract star ka, hindi ka
makalabas sa iba. Dati, may monthly allowance akong natatanggap, P10,000,
habang naghihintay ng next project. Pero ngayon, wala na."
No comments:
Post a Comment