WELCOME!

Mabuhay Philippines! This blog features the different male pageants that are happening in the 7,107 islands in the country. We appreciate it very much if you leave comments in our posts. Thank you very much.

DIRECTORY OF MALE PAGEANT HANDLERS IN THE PHILIPPINES

Monday, October 14, 2013

Joel Francis Villar a.k.a. Leonardo Litton, Ginoong Filipinas 1998 Finalist

 "NAKIKIALAM LANG ANG ARTISTA SA PULITIKA KUNG TATAKBO SIYA"
Date: February 16, 2001

May bagong pinagkakaabalahan si Leonardo Litton ngayon para mapaunlad pa ang kakayahan niya sa pag-arte. "Tinanggap ko yung stage play na Tirik, directed by Soxy Topacio," sabi niya noong Lunes sa Ponciana Restaurant, Cubao. Ang isang oras na palabas na ito sa "Mr. Melody" ay nagsimula noong Peb. 13 at ang sumunod na gabi, Valentine's Day ay susundan pa ng dalawang gabing pagtatanghal sa Peb. 20 at 27.


"Gusto ko ring subukin ang stage kaya ko tinanggap yung offer ni Manny Valera. Pinag-aralan namang mabuti ng manager ko (Tony Galvez) at pumayag naman siya dahil ako ang bida sa five major characters at si Tito Soxy ay iginagalang na pangalan sa daigdig ng teatro," patuloy ni Leonardo.

Sabi naman ni Tony Galvez na kasama namin ng gabing iyon, "Gusto ko kasing maiba naman ang putahe, kumbaga, dahil si Leonardo, nakikita lang na nagpapa-sexy at umaarte sa pelikula. This time, stage play naman na challenging on his part, kaya ko tinanggap para sa kanya. Hindi kasi lahat ng young stars ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, eh. Kung sa pelikula, pag nagkamali ka, may take two. Dito sa stage, wala. Kailangan talagang maipakita mo ang husay mo sa pag-arte."


Istorya ng mga lalaking gustong mag-artista pero sa paghahangad na ito, pagiging callboy ang kinababagsakan ang Tirik. Bukod kay Leonardo, isa pang bold actor ang kasama sa palabas, si Allyson VII. Yung tatlong plain-looking guys ay mga alaga ni Manny V. Pero hindi naman kaya para lang itong isang stage show sa mga gay bars gaya ng "Chicos" ni Joey Gosiengfiao? Hindi kaya ang talagang intensyon ng palabas na ito ay ipakita lang ang katawan ng mga lalaki sa publiko?


"Hindi naman po ganun," depensa ni Leonardo. "Dahil may istorya naman although may eksenang naka-brief ako. Hindi naman ako maghuhubad gaya sa ginagawa ko sa pelikula. Yung ginagampanan kong karakter dito, kay Lazaro na lumayas sa magulang na hindi siya minahal kahit ginagawa na niyang lahat ang paraan para mahalin siya ng mga ito, lalo na ng tatay niya na ibinigay ang atensyon sa bunsong kapatid."

 

 Kasabay ng Tirik na isang stage play ay ang pelikulang Tikim na bida rin si Leonardo kasama sina Rodel Velayo, Paula Gomez at Barbara Milano. "First time ko na maididirek ni Jose Javier Reyes," sabi ng 20-anyos na aktor. "Sabi ni direk, nung story conference pa lang, basta ang inaasahan niya sa aming lahat na Seiko stars, good acting performance. Kaya itong pagpasok ko sa stage play, alam ko, nakakatulong sa pag-improve ng acting ability ko."


Sa Tikim, probinsyanong tatanga-tanga ang papel ni Leonardo. "Gusto ko itong role ko rito dahil nakaka-identify ako bilang probinsyano. Di ba, laking-promdi naman ako talaga?"



Paano nga ba siya tinatanggap ng mga kababayan niya ngayon sa Cabanatuan City, Nueva Ecija? "Mas dumami ang mga kaibigan ko at kakilala. Syempre, mas kilala nila ako bilang si Joel Francis Villar kaya Joel pa rin ang tawag nila sa akin doon. Yung mommy ko, active siya sa barangay namin pero hindi naman siya pulitiko. Tumutulong lang sa improvement ng barangay bilang coordinator. Siya ang nilalapitan ng mga pulitiko sa amin."


Wala bang ambisyong pulitikal si Leonardo balang araw? "Wala. Hindi ko masabi. I just turned 20 last January 5. Hindi pa ako ganun ka-mature. Feeling ko, dumagdag lang ng isang taon ang age ko. Kahit sa lovelife ko, hindi nga ako serious. Kasi, wala pa akong ipapakain. Isa pa, ayokong mawala ang opportunity ko as an actor. The moment na mag-serious ako sa lovelife, gaya ng mag-asawa ako agad, masisira ang career ko. Kailangang ma-establish ko muna ang career ko. Gusto ko munang mag-ipon kaya ayoko munang gumastos.
 



"Plano kong mag-asawa pagdating ko ng 28, 29 o 30. Ayokong mag-asawa ng maaga. Kasi, nakikita ko yung mga classmates ko nung high school, puro sila problema. Tumatawag sila sa akin at sinasabi nila yung mga problema nila. Kung hindi mo pa kasi talagang kaya, ipagpaliban mo muna ang pag-aasawa."


Sakaling mag-asawa si Leonardo sa takdang panahon, ano ang mga katangian ng isang babae na gusto niyang pakasalan? "Dapat, understanding siya, magaling humawak ng pera, hindi naman kailangang taga-showbis siya, magaling mag-handle ng lahat, like sa mga negosyo, di ba? Saka dapat, kaya niyang hawakan pati yung sa personal, like kung nagtatalo kami o nag-aaway. Dapat, alam niyang umareglo ng sitwasyon. Gusto ko, compatible din kami sa sex. Masarap siguro, pag tumatanda ang babae, saka siya nagiging wild in bed. Mas mahirap kasi kung ako ang magiging wild dahil mas matanda ako sa kanya, eh kung ako ang magkasakit?"


Nitong nagkaroon ng EDSA 2, hindi naging aktibo si Leonardo na dumispley at sumama sa rally. "Doon lang ako sa tinatawag na silent majority. Ang sa akin ay yung sa ikagaganda. Hindi ako pro-Erap, hindi rin anti-Erap. Saka hindi naman lahat ng mga artista, nakialam. Si Cesar Montano ba, nakialam? Ang pakikialam lang ng artista sa pulitika eh kung tatakbo siya sa isang posisyon na makakatulong siya sa mga tao, ganun ang sa palagay ko. Gaya ngayon, may mga sumisira sa karapatan ng mga artista para tumakbo sa pulitika. May mga artistang may karapatan, sa palagay ko. Huwag naman sana nilang husgahan kaagad ang kakayahan ng isang artista. Sila bang humuhusga o nanlalait sa mga artista, kaya rin ba nilang gawin yung acting na ginagawa namin sa pelikula? Hindi rin, di ba? Lahat ng tao na marubdob ang hangarin na maglingkod sa kapwa, may karapatan, kasama na roon ang mga artista na tapat maglingkod sa bayan."

 

No comments:

Post a Comment

DO YOU WANT TO JOIN A MALE PAGEANT?

Search This Blog

PHOTO CREDITS

I would like to inform everyone that the photos posted in this blog are taken from different websites, fan pages and given by male pageant fans from all over the world. If you see your photos here and want them to be taken out, please inform us via comment section and we will gladly give in to your request. On the other hand, I would like to mention some good people who were generous to me in lending their photos: Arne Gershwin Gogo, Aski Reynold's Pasquali, Edmund Chua, Eduardo Barnillo, EJJosh Gozum Rodriguez, Ghune Katigbak, Jet Tamayo, Jory Rivera, Jupiter Cachola, Kraus Estanislao, Melvin Sia, Norman Tinio, Shobi Dionela.

TRENDING POSTS

Philippine Representatives to Mister World

Philippine Representatives to Mister International

CHECK THIS OUT!