WELCOME!

Mabuhay Philippines! This blog features the different male pageants that are happening in the 7,107 islands in the country. We appreciate it very much if you leave comments in our posts. Thank you very much.

DIRECTORY OF MALE PAGEANT HANDLERS IN THE PHILIPPINES

Tuesday, April 7, 2015

Rants of a Male Pageant Founder/Organizer (Part 1)



Share ko lang po.


Nakakatuwa, nakakabaliw, nakakatawa, nakakainis, nakakairita at nakakabuwisit na mga pangyayari sa isang male contest.


1. Mag- aanounce ka na may contest on a certain date. Magpapago-see. Kokonti ang pupunta. Iyong iba ay magpapadala na lang ng pic at sure daw na darating. Siempre, dahil mahal ko iyong nagrequest at pakikisama na rin ay papayag ako. Isasama mo sa list.
Pagdating ng go-see, kokonti ang pupunta. Iyong iba ay talagang walang karapatan sumali dahil di naman guapo, hindi rin maganda ang karawan, maliit pa . Pero dahil ang nagdala ay kaibigan, pikit mara kong tatanggapin. Iyong iba naman applicants ay may attitude problem. Feeling sikat eh lagi naman talo sa mga sinasalihang contest. Dahil applicant eh smile na lang.






2. Sanrekwang kibitzers ang pupunta. Wala naman kasamang kandidato. Makikipanood at nauuna pang kukuha ng pic.at sa kainan, sila pa ang unang pipila at medyo nakataas ang kilay na parang ang pinuntahan ay fiesta na nageexpect ng maraming food.


3. Darating ang talent manager na bitbit ang 3 candidates. Iyong isa ay guapo at may k talaga. Iyong dalawa ay alam mo na sa simula pa lang ay pamparami lang. Dahil kaibigan ay ngingiti ka lang at tatanggapin na rin iyong walang k na applicants.


4. Mga talent managers na magmemake up ng alaga nila. Mahuhusay naman kaya lang, 5 oras kung dutdutin iyong mukha ng talent nila as if contest na eh pictorial pa lang. Pati likod at singit ay lalagyan ng make up eh di naman makikita sa picture iyon.


5.Kanya kanyang sulutan ng talents. Palihim na hihingin iyon cel number ng talents. Kapag nabuko ay deadma lang na parang walang naririnig na pagbubusa nung handler talaga.


6. Ang usapan ay 9 am to 2 pm. Pero may talent managers at talent na darating ng 4 pm. Saka pa lang magaapply ng make up sa talent na dala.


7. Tapos na ang go see. Filled up na iyong desired number of candidates. May makikiusap dahil sa kung ano anung dahilan. Tatanggapin mo dahil sa love at pakikisama. Pero sa contest proper ay di naman darating dahil sinulot lang sa ibang talent managers.


8. Habang ginagawa ang score sheet, may magtetext na ihahabol daw si ganito . Babaguhin ngayon iyong score sheet . Ilan pagbabago ng score sheet ang magaganap bago dumating ang contest proper.


9. Pageant night. Ang call time ay 3 pm. Karamihan ay darating ng 6 pm. Iyong iba ay tapos na ang first segment kaya natatawa ang audience dahil sino ito?


10. Pinagdadala ng white tshirt pero hindi nakapagdala kaya maghuhubad na lang. Papangit ang segment pero dahil wala kang magagawa ay ngingiti ka na lang.


11. Sa rehearsal ay di darating, kaya during the contest proper, sa halip na kanan ay sa kaliwa pupunta. Magtatawanan ang audience pero balewala sa contestant.


12. Sa national competition ay may interview. Ang call time ay 2 pm. Darating si candidate ng 7 pm. Walang interview kaya alam mo ng ligwak sa top 15 pero umaasa si talent manager. Na kapag di nakasama ay lutuan daw.


13. Talent portion. Hindi magpeperform o kaya ay kakanta na sintunado ang boses o sasayaw na parehong kaliwa ang paa. Pero iniexpect na mataas ang score sa talent.


14. Magsusuot ng barong pero ang dalang pantalon ay maong at rubber shoes.


15. Sa question and answer portion ay walang nasabing sagot kundi smile lang. Everybody knows na talo na ito pero iyong nanager ay nanggagalaite sa galit dahil dinaya o niluto daw.


16. Kapag ang alaga ay nanalo, walang katapusan thank you sa producer. Pero kapag natalo, halos sumpain ka.


17. Magseserve ng food. Dapat ay candidates lang pero siempre, pakakainin din ang manager dahil kaibigan o kakilala. Pero iyong manager pa ang nanlalait sa food dahil wala daw lasa at kokonti pa.


18. Iyong ibang talent ay di darating sa pictorial pero umaasang mr. Photogenic.


He he he.... Masarap na mahirap magproduce. You will have more friends .likewise you will have enemies.


Happy reading po. Iyong tatamaan ay sorry. Iyong iba na mag agree..thanks po.

 

2 comments:

  1. ANO ITO??? WTF!!!! ITO ANG IPAPADALA NATEN SA PANAMA SA MAYO??? EEEEWWWWW

    https://www.facebook.com/photo.php?fbid=845437832194831&set=a.845437532194861.1073741841.100001858652728&type=3&theater

    ReplyDelete
  2. Wala bang Part 2?

    ReplyDelete

DO YOU WANT TO JOIN A MALE PAGEANT?

Search This Blog

PHOTO CREDITS

I would like to inform everyone that the photos posted in this blog are taken from different websites, fan pages and given by male pageant fans from all over the world. If you see your photos here and want them to be taken out, please inform us via comment section and we will gladly give in to your request. On the other hand, I would like to mention some good people who were generous to me in lending their photos: Arne Gershwin Gogo, Aski Reynold's Pasquali, Edmund Chua, Eduardo Barnillo, EJJosh Gozum Rodriguez, Ghune Katigbak, Jet Tamayo, Jory Rivera, Jupiter Cachola, Kraus Estanislao, Melvin Sia, Norman Tinio, Shobi Dionela.

TRENDING POSTS

Philippine Representatives to Mister World

Philippine Representatives to Mister International

CHECK THIS OUT!